Bernadette Manahan Sta. Maria: Ang Pagpupugay sa Ating Kultura

Bernadette Manahan Sta. Maria:  Ang Pagpupugay sa Ating Kultura
Artist Bernadette Manahan’s self-portrait

Ni Vics Magsaysay

Malapit na naman ang buwan ng
Oktubre. Ang buwang ito sa Amerika ay itinalagang
“Filipino American History
Month.” Ito
kasi ang buwan nuong 1587 napadpad at dumaong ang mga “Luzones
Indios” sa Morro Bay,
California.

Ang buwang ito ay palagiang
ipinagdidiwang ng Pamana ng Lahi, Filipino Cultural Center at ng Filipino
American Community of Los Angeles sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga art o
photo exhibit upang paibayuhin
ang ating pagmamahal sa nakagisnang kulturang Pilipino.

Nabanggit nga ni Gat Jose Rizal, ang ating Dakilang
Bayani ito: “Ang
hindi magmahal
sa sariling wika, daig
pa ang hayop at malansang
isda.”Ang ating wika ay isa lamang
bahagi ng ating kinagisnang kultura.

Nakatala nga sa diksyonaryo na saklaw
din ng kultura ang arts, customs, literature, music, painting, philosophy,
humanities at intellectual achievements ng isang bansa, o grupo ng tao.

Kaya nga may sikat na kasabihang puwede
mong alisin ang isang tao sa kanyang bansa, pero ang bansa–o ang
kultura–ay mahirap mong maialis sa kanya. Sa pakiwari ko ang tao ay parang
isang puno: Siya
ay magkakaugat at
kapag lumaki na, ang
kulturang kanyang nagisnan, nakapiling ay tuluyang mamumulaklak.

Sa ika-5 ng Oktubre, ang creative
at talented artist na si Bernadette Manahan
Sta. Maria ay magkakaroon
ulit ng kanyang solo exhibit sa
Filipino Cultural Center (1740 W. Temple St., Los Angeles, CA 90026) na nasa
gitna ng Historic Filipinotown ng L.A.

Kasama sa mga obra ng artist ay ang mga ipinagmamalaki ng
Pilipino tulad ng isa
sa pinakamalaking agila sa buong mundo, ang
Philippine Eagle; nandoon din iyong sarimanok, isang maalamating ibon ng mga taga-Maranao
sa Mindanao.

Manahan’s rendition of Sarimanok.

Makikita rin ang kinagigiliwang
bulaklak nasanggumay. Hindi kumpleto ang
rekado kung wala ang mga damit na
Filipiniana at ng ating mga katutubong minoridad.

Sa ano mang bagay, kapag atin
itong nabibigyan ng focus, lalo itong napapalapit sa ating puso at isipan. Ang palagiang
paggunita sa ating kultura ay nararapat lang na
magkaroon ng buhay at kulay.

Pasasalamat sa mga nag-sponsor sa art exhibit:
Fiesta Fastfoods, Guldjian Fasel Law Car Accident Attorneys.

Si Vics Magsaysay, Ph.D., ay isang Los Angeles-based writer, fine
art nature photographer, graphic designer, pintor, makata, alternative healer
at may doctorate degree
 sa clinical
hypnotherapy.

No tags for this post.
304
Like
Save

Comments

Write a comment

*

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.